Nag-start na 2-hours ago ang pinakabagong Kapamilya noontime show, "Pilipinas Win na Win".
For the first time on Philippine TV, nagsama sa isang noontime show ang dalawa sa biggest and brightest stars ng Philippine showbiz na sina Queen of All Media Kris Aquino at ang "Pambansang Utol" Robin Padilla. Kasama nila ang tatlong "Paborito sa Pananghalian" na sina Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Pokwang.
OPENING NUMBER
Sa opening number, pinatugtog ang "I Gotta Feeling" ng Black Eyed Peas at sinabi ni Robin sa mga manonood na "It's nice to be back!" Nagpakitang-gilas din ang action star sa pamamagitan ng pagtalon mula sa railing at mag-front roll. Nagkaroon naman ng fireworks sa stage bago lumabas si Kris at nagsabi sa audience: "Kung sabi ni Robin na he's back, I'm here to stay!"
STAR-STUDDED PILOT EPISODE
Aside sa exciting line-up of new games, marami ring big star ng Kapamilya network and dumalaw, nag-perform, at nagbigay ng kanilang wishes para sa show.
Una sa listahan si Piolo Pascual na dumaan lang para batiin ng host at staff ng show.
Join naman si Jericho Rosales, Christian Bautista and Bianca Manalo sa bago nilang game na "Yaman ng Bayan" kung saan sila Karylle at Duncan Ramos naman ang naging singer para sa segment.
Kabilang naman sa mga nag-perform ay sina: Cristine Reyes to promote her upcoming teleserye "PHR Kristine", Concert King Martin Nieverra sings with Christian Bautista, Charlene Gonzales dances with King of Talk Boy Abunda na isa sa sorpresa ng show kay Kris na kilalang close friend ng Presidential sister.
Kasama rin sa nag-perform ay sina KC Concepcion, Juris, Xyriel "Momay" Manabat, Zaijian "Santino" Jaranilla, Ejay Falcon at ang daughter ni Robin na si Queenie Padilla na very proud sa kanyang daddy na hinde lang daw action star, singer kundi host na din.
Sa umpisa pa lang ng show ay nabanggit na ni Kris na gusto nyang i-play ng DJ ang favorite song nya this days. At di pa nga natatapos ang show, napilit na nyang ipakanta ang "It Must Have Been Love" kay KC. Di naman nagpatalo si Mariel, pinakanta din nya kay Juris ang song nya na "Kapag Ako ay Nagmahal" na patungkol kay Robin.
AUDIENCE
Kabilang sa mga nanood ng pilot episode ng Pilipinas Win na Win sa studio ay ang anak ni Kris na sina Josh at Baby James, business unit heads Lauren Dyogi, Deo Endrinal, Corporate Communications head Bong Osorio at ang members of the press.
STUDIO SET, GAMES, STAFF
Nang tanungin ang business unit head ng show na si Jay Montelibano kung ano ang mga bago sa Pilipinas Win na Win, sinabi nitong tiyak na maraming masisiyahan sa mga mapapanood nila. "The set will stay. Yung staff naman saka yung mga dancers, they will stay. Pati si 'Congratulations' [April Gustilo], she'll stay. It's the game segments that will see really total change. Naka-tailor fit talaga yung segments for Kris and Robin at kino-complement pa rin naman nina Mariel, Valerie at Pokwang."
Dagdag ni Jay, magiging kaabang-abang ang bagong kombinasyon ng mga hosts. "We know, of course, Kris as being the Media Queen, and bihasa na siya sa pagho-host ng mga ganyang palaro. Robin has the charisma. It would actually be an interesting combination. Iisa kasi yung adhikain nila, yung mapasaya yung tao. So both have the heart. Both have the passion. It's very, very interesting to see the mix."
Ngunit higit pa sa mga hosts, inihayag ni Jay na ang bagong hatid na palaro at papremyo ang mas lalong magbibigay-saya sa mas maraming Pilipino. "Focused ang Pilipinas Win na Win sa indibidwal, barangay, pamilya at sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Mamimigay pa rin siyempre ng milyong papremyo. Pero ngayon, mas maraming mananalo. Kasi kung dati, yung games ay one-is-to-one. Ngayon, mas pampamilya at mas pangmaramihan. It's interactive with the barangay at may palaro para sa pamilya," ani Jay.
Mapapanood ang Pilipinas Win na Win, mula Lunes hanggang Sabado, 12nn, sa ABS-CBN.

Tidak ada komentar:
Posting Komentar
download free mp3
wmp3
mp3z