The Star Factor Final 4: (from left) Eula Caballero, Morisette Amon, Christian Samson, and Ritz Alzul.
On Sunday, December 5, the nation will witness the birth of the new teen star sensation as TV5 airs the grand finals of the first ever TV5's artista search "Star Factor" live at Ynares Sports Arena in Antipolo, Rizal.
3 girls and 1 guy comprises the Final 4 of Star Factor. They are:
Eula Caballero, 15, Cebu
Ritz Alzul, 16 , Pampanga
Morisette Amon, 14, Cebu
Christian Samson, 17, Bulacan
The grand winner will bring home at total cash prize of P1 million tax free, 1 million worth of management contract with Talent5, a 4-year college scholarship from AMA Education System and a house and lot from Moldex Realty.
Here's an excerpt of the interviews with the Final 4 during the press launched held at the Studio B of TV5 Complex in Novaliches yesterday, November 28:
Question: Ini-expect ba nilang makapasok sa Final 4?
Eula: As for me, sobrang surprised, and I never expected naman talaga. But I hoped na sana makapasok po sa Top 4 at manalo ako.
Ritz: Tulad po ni Eula, hindi ko po ini-expect, lalo na noong bottom na po akong talaga. Kasi, madalas po akong ma-bottom noon. Hindi ko po ini-expect kaya masaya po ako na napasama po ako.
Morisette: Ako rin po, hindi ko rin po nai-expect na mapapasama po ako sa Top 4. Kasi maraming magaganda, may talento.
Christian: Actually, ini-expect ko na po na mapapasama ako sa Top 4, pero hindi ko po ini-expect na ako lang po ang mag-isang lalaki.
Q: Kung hindi sila ang manalo sa Star Factor, sino ang choice nila?
Christian: Para sa akin po, kung hindi po ako ang mananalo, ang gusto ko pong manalo ay si Morisette. Kung titingnan po natin sa mga past episodes, siya po yung okay po ang ipinakita.
Morisette: Ako naman po, para sa akin, si Eula po. Kasi, from Day 1 po, she really did improve. May looks, may personality, and very, very good.
Eula: For me, I'll vote for Christian because I know that he got looks and talents. Sobrang mabait din po, kaya siya yung nakakuha ng vote ko.
Ritz: Tingin ko rin po, si Christian. Kasi, mula pa po noong umpisa, puro positive na po ang kino-comment sa kanya ng Starmakers [judges] and marami rin po siyang nahahatak na fans.
Q: After Star Factor, guaranteed na raw na magkakaroon ng TV show ang mga finalist. Kung mangyari ito, sino sa mga artista ng TV5 ang gusto nilang makasama?
Ritz: Gusto ko po sanang makasama si Ruffa Gutierrez pa rin po, kasi nag-e-enjoy na po akong kasama siya. And then, gusto ko pa pong maging ka-close siya. Kung sa leading man naman po, okey na rin po si JC de Vera.
Eula: Gusto ko pong maka-work is si Tita Anabelle Rama because she's like a mother to us. And maybe kung magka-work na kami, magiging bonded kami and I'll get to know her more as a Cebuana also. At sa leading man naman po, gusto ko rin si JC de Vera.
Morisette: Ako naman po, gusto ko pa rin po na sila [Star Factor finalists] pa rin ang makakasama ko sa mga projects ko because I've known them, and parang we've grown and we're very, very close na po.
Christian: Katulad po ni Morisette, gusto ko pong makasama sila ulit, ang kapwa Star Factor hopefuls ko, dahil para na po kaming magkakakapatid. Kung sa leading lady naman po, si Danita Paner po. Crush ko po kasi siya.
Q: Kay Christian, may mga nang-iintriga kung bakit siya ang naiwan sa male contestants at nakapasok sa final. May nagsasabing kung sa hitsura lang naman ang pag-uusapan ay mas guwapo ang ibang natanggal. Ano ang masasabi niya rito?
Christian: Nirerespeto ko po ang opinion ng ibang tao kaya ayos lang po sa akin yun. Pero siyempre, hindi ako papayag, guwapo ako!
Q: Paano nila idedepensa ang sarili kapag naikukumpara sila sa ibang produkto ng artista search ng ABS-CBN (Star Circle Quest) at GMA-7 (StarStruck)? Na kesyo malayong-malayo ang lamang ng mga produkto ng ibang artista search kumpara sa kanila?
Ritz: Hindi naman po. Para sa akin po, tine-train po kami bawat isa. Yun naman po ang maipaglalaban namin sa kanila. Per talent, like acting, dancing, itinuturo, pati po modeling.
Eula: Ako naman po, ang masasabi ko riyan, may K [karapatan] rin kami sa kanila. Every day nag-i-improve kami. We get to look better and better, may improvement kami physically at sa mga talents namin. And every day, we're getting ready for this industry. Sa anumang puwedeng harapin namin dito, I can say, handa na kami.
Morisette: I believe na kaya naman namin, and yung advantage namin is we're fresh, we're young, raw pa ang mga talents namin, kaya marami pa kaming in store to use for the future.
Christian: Ganoon din po ang sasabihin ko, na mas fresh nga po kami at bata pa po kami. Yun po ang advantage namin. At mas mahaba ang time na mati-train kami.
Star Factor is hosted by Ruffa Gutierrez, with Audie Gemora, Joey Reyes, Raymund Isaac, Ryan Cayabyab, and Annabelle Rama serving as Starmakers.
Tidak ada komentar:
Posting Komentar
download free mp3
wmp3
mp3z